Sunday, May 24, 2009

Nakita ko siya

Kanina, nakita ko siya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gustong-gusto kong lapitan siya ngunit may isang puwersang pumigil sa akin upang gawin iyon. Ano nga ba? Natatakot ako na baka hindi niya ako pansinin? Natatakot ako na baka ako'y kanyang sisihin? Ngunit... bakit ako matatakot kung hanggang ngayo'y siya pa 'din ang nasa puso ko? Handa ako. Handang-handa ako sa kung anuman ang mangyayari sa tagpong iyon. Halos malusaw ang aking kaluluwa na unting-unting sumusugat sa aking puso habang pinagmamasdan ko siya sa malayo. Ayun siya't naglalakad, ngunit ang aking bawat pasulyap ay nakaw sapagkat ayokong makita niya ang sugat na unting-unting kumikirot sa aking katawan. May sakit na nagising sa aking kalooban. Ang sakit na hindi ko maipaliwanag kung gaano kahapdi. Para bang, sinusugatan ako ng blade ng paulit-ulit at ito'y binubuhusan ng alcohol hanggang sa hindi na nito mahanap ang paghilom dahil ang sugat ay napakalalim na at ito'y kinakailangan ng tahiin upang ang lahat ay bumalik sa dati at magsarado ang nakaraan. Naaalala ko ang nakaraan. Ang nakaraan na gustong-gusto ko pa din balikan. Dati rati, hindi nakaw ang sulyap ko sa kanya. Tinititigan ko ang kanyang mga mata na umaagos hanggang sa kaibuturan ng kanyang kaluluwa at doo'y sinasabi ko na 'Mahal na mahal kita'. Ngunit hindi ko na magagawa. May isang malaking pader na humaharang upang ako'y mapalapit sa kanya. Kung maibabalik ko nga lang ang lahat ngunit ang pag-asa ay naglaho ng parang bula. Hindi bale, masaya na ako para sa kanya. Sapagkat alam ko, malapit niya na maabot ang rurok ng tagumpay. Ngunit ang nakakalungkot na parte sa kasiyahang ito ay... wala ako para makisaya sa kanya. :(

14 comments:

2ngaw said...

Yun ang pinakamasakit dun eh, ung araw na masaya sya at wala ka para makisaya...

pau : ) said...

bkit b kau ngbreak?
nambbae b xa?

saul krisna said...

ayuno h... isang obra na naman... haaay pero nakaka lungkot nga yun... yung tipong masaya siya pero parang di ka pwedeng makisaya kasi sa tuwing makikita mo siya nasasaktan ka.... yung tipo bang kahit abot tanaw mo lang siya or katabi... tila ba ang layu layu pa rin niya... haaa

A-Z-3-L said...

NATAKOT AKO INSTEAD OF MALUNGKOT....

love is patient. love is kind. it does not envy. it does not boast.

just always be happy for the one you love... even if it pains you so much.

that is the mystery of love...

i wish you well...

Deth said...

hindi ako masyadong makarelate...wahahaha,juk!

pakiramdam ko, may sugat akong naghilom sa labas pero sariwa sa loob...minsan mas mabuting hiwain ulet ang sugat na yun, buksan buhusan ng alkohol... upang magamot...

Ang buhay ay parang sine said...

Masakit nga talaga. :(

Biancs, naku no, hindi siya nambabae. time lang yung problema.

jee said...

hmmm...

mahal mo pa nga sya...pero hindi ka pa rin nag le-let go. hindi ka pa rin totally moved on.

let go. maging masaya ka sa sarili mo at maging masaya ka din para sa kanya..sa tagumpay niya. kahit na wala ka sa tabi niya...atleast naging masaya ka naman para sa kanya...

ano daw? nahilo ako dun sa sinabi ko ah! hehehe...

smayLL kiddo! :)

-ate jee

bluedreamer27 said...

hmmmm naku medyo malali ito ha
hayst pagibig nga naman

by the way chaze i got an award for you sana magustuhan mo

heres the link

http://bluedreamer27.blogspot.com/2009/05/what-blessing.html

pau : ) said...

aw hirap pag oras n ang kalaban nio..
bkit?
kulang n b kau s oras?

kme nga ni papabear yan ang mdalas nmeng pag awayn ng 3 taon nmen..

kulang kc kme ng oras para sa 1t 1..

tska nrmdaman ko n yan..

ang skit pag ngbreak kau..
tas mkikita mo xang msya khit wla n kau..
hayyy..

Ang buhay ay parang sine said...

lord cm... nakakalungkot nga eh pero ok lang, masaya na din ako para sa kanya.

kuya saul, malayo na talaga yung distansiya sa akin. haayy.

ms. azel, bakit ka natakot? hehe.

ms. deth, ahaha. hindi ka ba makarelate? ok lang yan.

ate jee, oo nga eh hindi pa rin makamove on pero ok lang... sige. magmumove on na din ako.

bluedreamer, thanks for the award. :D

bianca, sa sobrang sakit nga... naku, gusto ko na siya kutusin. hahaha. parang nagmamalaki pa. lols.

Abbey Giongco said...

Naku binasa ko tlga to at dinama ko ang bwat eksena!!!! Okay lng yan, ate, may better plans p pra sau si God. Way better. :)

Ang buhay ay parang sine said...

Abbey, hay tama ka. I know that. I believe in him. :)

ROM CALPITO said...

siya ba yung cnasabi mong nilayuan mo chaze? klimutan mo na siya andito lang sa tabi tabi yung taong walang nagmamahal (lol)
god bless you chaze

Anonymous said...

wow. deep :) but nice. :D

 
template by suckmylolly.com