Friday, May 15, 2009

Pagsulat

BAGO KO PO SIMULAN ANG POST NA ITO AY HUMIHINGI LANG PO AKO NG KAUNTING TULONG SA INYO, AKING MGA FELLOW BLOGGER, NA IBOTO PO AKO SA CHORVA BLOG AWARDS. NARITO PO ANG LINK: http://chorvacheorvamus.blogspot.com/ AKO PO KASI AY NOMINADO. NASA SIDEBAR LANG PO NG NASABING BLOG ANG POLL, AT NAROON PO ANG PAMAGAT NG AKING BLOG: ANG BUHAY AY PARANG SINE. SA MGA BUMOTO NA, MARAMING MARAMING SALAMAT PO. AT SA MGA HINDI PA NAKAKABOTO, BUMOTO NA PO KAYO! MARAMING MARAMING SALAMAT PO.

Ano nga ba ang pagsusulat para sa akin? Kung ako'y inyong tatanungin, marami akong maaring kahulugan na ibigay ng pagsusulat. Na ang pagsusulat ay isang hobby... Na ang pagsusulat ay ang panandaliang pagtakas sa realidad. Na ang pagsusulat ay ang sumasalamin sa ating pagkatao... sa ating kaluluwa... sa ating buhay at sa ating mapaglarong isipan.

Bata pa lang ako, hilig ko na ang pagsusulat. Isang umaga, alas-singko ng umaga sa aking pagkakatanda, ay pinasok ko ang isang lumang kuwarto na siyang imbakan ng aking mga kuwaderno at kung anu-anu pang papel na ang laman ay ang aking mga sinulat na tula, kuwento at ng aking mga nadarama. Naisip ko na.. "Aba, nag-improve na pala ako sa aking pagsusulat".

Gusto ko maging katulad ni William Shakespeare, ni Bob Ong, ni Emily Dickinson at ni Rainer Maria Rilke... ngunit, kailangan kong gumising sa isang realidad na hindi ako magaling magsulat. Ngunit pinipilit kong magpakahusay, dahil ito ang aking pangarap. Ang pagsusulat, para sa isang katulad ko, ay hindi lamang isang simpleng hobby o isang eskapo sa tunay na buhay... ngunit ang pagsusulat ay aking buhay.

Ito ang nagpapalakas sa akin. Ito ang nagpapawala ng aking mga suliranin. Ito ang lahat-lahat para sa akin. Mapa-blog man yan o old school, wala na sa akin iyon... basta ako'y makapagsulat lamang. Iniisip ko, kung gagaling ako, anung mapapala ko? Sisikat? Bibigyan ng parangal?

Ngunit sa aking bawat sinusulat, isa lamang ang aking pakay - ang makapagpabago ng buhay ng ilan na sumusubaybay sa bawat artikulong sinusulat ko, mapa-Ingles man o Tagalog. Marami na akong nakikilala na buhay na 'din nila ang pagsusulat, at natutuwa ako sa kanila dahil marami 'din palang nakakaintindi ng aking hilig.

Natutuwa din ako, sapagkat, ang aking mga magulang, kapamilya at aking mga kaibigan ay nauunawaan ang pagkahumaling ko sa isang mundong punung-puno ng letra, tagumpay at pagkabigo.

Pagsulat... ito na ang aking buhay. Pagsulat... hindi ako mabubuhay ng wala ka.

16 comments:

Arli said...

Pwedeng icompile na ang buong blog niyo at gawing libro. Haha sure akong maraming maiinspire!

Keep on writing!

Hari ng sablay said...

sinong may sabing hndi ka marunong magsulat?galing galing mo nga eh, kip it up...hindi lang ako naiinspire mo, marami kami. :)

EǝʞsuǝJ said...

sa ating mga blogero...
laht ay pantay-pantay..
laht ay magagaling..
dahil may kanya-kanya tayong pamamaraan at paksa sa pagsulat..

practice makes perfect ika nga nila...
malay mo bukas makalawa..isa ka nang tinitingalang author ng isang libro?diba?..:D

anney said...

Just voted! nagunguna ka ha. Sana manalo ka!

Bingkay said...

naku sis ang galing mo nga e. Pero tama yang palaging magpursige at patuloy na e-improve ang sarili.

Ang buhay ay parang sine said...

Salamat! Salamat talaga sa inyong lahat. I really can't find the words to say but salamat! :)

soberfruitcake said...

gurl..wala akong makitang poll dun..hehe

saul krisna said...

magaling ka naman sumulat ahhh. taba nga ng utak mo eh.... basta dito lang ako para mag basa... heheheh cheer up sis

Ang buhay ay parang sine said...

Kuya Saul, huhuh. Maraming maraming salamat sa iyong compliment. Basta, I'll try my very best to improve. I know I can do it,.

leley said...

hi sis..tnx for the comment in my post..like you hobby q din ang pagsususlat.ewan ko nga lang minsan kahit matagl na ako nktitig sa papel o sa keyboard eh wala pa din akong naiisulat.huhu nose bleed na.haizt i think i need something to boost my writing..skills.
so dahil nainspire mo ako.mgsusulat na din ako..jeje tnx..keep it up!

Ang buhay ay parang sine said...

Leley, thanks po at happy ako dahil na-inspire kita. Keep it up! Don't give up on your dreams. :D

soberfruitcake said...

nkita ko rin sa wakas..hehe..voting done.goodluck!

Ang buhay ay parang sine said...

Ms. Soberfruitcake, maraming maraming salamat po sa pagboto. :D

Abbey Giongco said...

ate chase, I look up to you so much so never underestimate yourself, okay?

you're so good in writing, PERIOD.

Ang buhay ay parang sine said...

Awww, Abbey, that's very sweet of you to say. Don't worry.... I'll inspire you more to keep up your writing. :)

Anonymous said...

[url=http://cialisonlinehere.com/#imivx]cialis online without prescription[/url] - cialis online without prescription , http://cialisonlinehere.com/#bnhxg generic cialis

 
template by suckmylolly.com