WARNING: Medyo mahaba ang post na ito kaya hindi ako magtataka kung kaunti lang ang mag-comment. Haha. Alam ko naman na yung iba sa inyo ay hindi nagbabasa ng mga mahahabang articles. Wala lang, gusto ko lang kasi i-share sa inyo ang nangyari sa akin ngayong first day of school in my new college :D
First day ng school kanina. Umalis ako sa bahay ng alas-siyete ng umaga at nakarating sa gate ng school namin ng seven-forty. Madaming tao sa labas ng gate, kasi hindi pa nagbubukas yung school. So ako loner dahil wala pa akong kakilala noon kaya naisip ko umupo sa isang tabi at maghintay na lang para magbukas yung gate. Ilang minuto 'din iyong paghihintay, at nakakaramdam ako ng pagkailang dahil sa estudyante na kasama ko sa labas. At noong nakaupo ako sa labas ng 7/11, may isang babaeng lumapit sa akin at nagtanong kung ano course ko. Too bad, Business Ad siya! At IT ako! Pumila kami muna sa labas bago pumasok ng loob ng school tapos kinuhanan kami ng temperatura sa thermal scanner bilang panlaban sa A(H1N1). Buti na lang, hindi tumaas temperatura ko kung hindi, baka maudlot pa pagpasok ko kanina. Handang - handa pa naman ako. Tapos, tinulungan ko si Aiyien (yung name ng babaeng nagpakilala sa akin) na hanapin ang room niya at hinanap ko yung room ko. Sa wakas, after one hundred years, nahanap ko na din ang room ko which is room 12!
So there I was, bonggacious ang entrance ko! Late ako kakahanap nung classroom ko. Tapos ayun, nahiya ako kasi nagtinginan sa akin yung mga new classmates ko. Umupo ako sa isang corner doon at tinabihan yung lalaking nakita ko (I have no intentions of flirting with him!) kasi yun yung nakita kong available na seat sa may likuran. At excuse me, I'm not the type of student na laging nasa harapan umuupo kasi ayoko na tinatawag ako ng prof ko. Haha. So there goes, nagorientation kami with our prof and ako, super out-of-place ako dahil wala nga ako kakilala and kahit noong matapos na yung buong period ay wala pa 'din ako kinakausap. Hindi naman dahil sa suplada ako or super ayoko lang mamansin - the truth is, napakamahiyain kong tao. Nahihiya pa ako makipagusap. Ewan ko, iyon 'ata ang isang ugaling hindi maaalis sa akin. Tapos noong nagdismissal na, there were only five people left in the classroom including me. Since I have nowhere to go (at hindi pa tapos ang klase noon ni Aiyien), nagstay muna ako ng classroom para hintayin yung text niya. Pero, sa kasamaang palad, na-empty ang cellphone ko. Kung minamalas ka nga naman oh!
Then, tumungo na lang ako. May tatlong lalaking nasa likuran ko at isang lalaki na nandoon sa may front row. Yung dalawang babae na nagkakilala na ay umalis na at ayun, bff na agad sila while I was left alone without a friend. Tapos, yung lalaking tinabihan ko kani-kanina lang ay tumabi ulit sa akin! Nagulat ako kasi sa dinami-dami ng vacant seats doon ay sa tumabi ulit siya sa akin. Feeling ko... may crush siya sa akin?! Haha. Joke lang iyon, guys! :D. I was just kidding. Tapos, noong umalis na yung lalaking iyon, umalis na 'din ako para magliwaliw sa buhay. Ang haba ba naman kasi ng break time ko. Imagine, 10:00 am ang dismissal namin tapos ang next subject ko ay 2:00 in the afternoon na magsisimula. Eh yung mga classmates ko sa St. Dom ay magkakaklase sila, which is very nakakainggit, at afternoon yung kinuha nilang schedule. Bale, 12 pa ng tanghali ang pasok nila. So good thing, nagtext na si Aiyien saying na tapos na yung klase nila. May kasama na siyang isang girl (nakakainggit talaga! May nakilala na siya!), si Anna. Naisip namin na magpunta sa SM para kumain ng lunch. It was 10 in the morning at 10:30 magsisimula ang next subject nila.
For about 15 minutes, humanap kami sa SM ng makakainan. Finally, we settled doon sa Pao Chin kasi nga, nagtitipid ang lola niyo at dieta ako no! Haha. So ayun, bago pa maluto yung Hainanese rice at yung shark's fin na inorder namin, umabot ito ng ten years. Malelate na sila tuloy. Nakabalik sila ng school ng saktong 11. Naisip ko na, since hindi ko naman mahanap yung mga classmates ko, umuwi na lang muna ako at bumalik ng 2 in the afternoon. 2 pm kasi ang time namin doon sa first period class namin sa hapon. Iyon pala, ang pinakamasaklap na pwedeng mangyari sa akin ay wala pala akong klase dahil next week pa ako papasok doon sa Programming subject ko! Malas na araw!!!! Napakamalas na araw!!!. Noong bumalik ako, tinext ako ni Bianca (our fellow blogger Bianca and also my classmate sa St. Dominic. Pero the bad thing here is... hindi ko classmate si Bianca ngayon pati si Nadine, yung classmate ko 'din dati sa St. Dominic). Tapos noong bumalik ako, mineet ko sina Nadine at Bianca sa hallway ng STI para masamahan nila ako magpapalit ng schedule ko sa office kasi gusto ko na maging kaklase ko sila dahil nahihirapan nga ako sa section ko na loner... super loner... at wala talagang kakilala ni isa. How sad di'ba? Pero ang bad news, HINDI AKO PINAYAGAN NG DEAN NA MAGPAIBA NG SCHEDULE KO :( So sad. Dapat 'daw noong bago magpasukan ko pa ito ginawa. Nagsisisi tuloy ako. Next time, sabay-sabay na kami mag-enroll nina Nadine at Bianca para maging magkakaklase kami.
Tapos noong lumabas kami sa office, nakita namin si Chester, yung classmate at tropa ko 'din dati sa St. Dominic. Lumipat 'din siya ng STI, kasama yung kambal-tuko niya na si Vyron. Nalaman ko na hindi pala sila BSIT, kung hindi DIT, which means, two years lang ang kinuha nilang course. Badtrip! Pati pala sila ay magkaklase. Loner talaga ako!!!! Haaay ayoko na!!!! So ayun, ako, si Chester, Nadine at Bianca ay rumampa muna ng ilang saglit sa loob ng STI. Nakakailang talaga kapag iba ang tingin sa'yo ng mga estudyante. Dahil ba new face ka lang sa campus? Whatever! Naiilang talaga ako at hindi ko alam kung makakasurvive ako ng ilang taon pa na ilalagi ko sa STI Campus. Haay, sana bukas magkaroon ako ng bagong mga friends kasi naman, kasi naman, ang problema lang kasi talaga sa akin ay ang pagiging snobbish look ko which is hindi naman totoo! Ika nga, don't judge a book by its cover. :D Hindi naman ako talaga suplada, mukha lang. Hindi lang talaga ako mukhang approachable pero kapag nakilala niyo ako, mabait naman ako. :D