Monday, June 15, 2009

First Day High

WARNING: Medyo mahaba ang post na ito kaya hindi ako magtataka kung kaunti lang ang mag-comment. Haha. Alam ko naman na yung iba sa inyo ay hindi nagbabasa ng mga mahahabang articles. Wala lang, gusto ko lang kasi i-share sa inyo ang nangyari sa akin ngayong first day of school in my new college :D

First day ng school kanina. Umalis ako sa bahay ng alas-siyete ng umaga at nakarating sa gate ng school namin ng seven-forty. Madaming tao sa labas ng gate, kasi hindi pa nagbubukas yung school. So ako loner dahil wala pa akong kakilala noon kaya naisip ko umupo sa isang tabi at maghintay na lang para magbukas yung gate. Ilang minuto 'din iyong paghihintay, at nakakaramdam ako ng pagkailang dahil sa estudyante na kasama ko sa labas. At noong nakaupo ako sa labas ng 7/11, may isang babaeng lumapit sa akin at nagtanong kung ano course ko. Too bad, Business Ad siya! At IT ako! Pumila kami muna sa labas bago pumasok ng loob ng school tapos kinuhanan kami ng temperatura sa thermal scanner bilang panlaban sa A(H1N1). Buti na lang, hindi tumaas temperatura ko kung hindi, baka maudlot pa pagpasok ko kanina. Handang - handa pa naman ako. Tapos, tinulungan ko si Aiyien (yung name ng babaeng nagpakilala sa akin) na hanapin ang room niya at hinanap ko yung room ko. Sa wakas, after one hundred years, nahanap ko na din ang room ko which is room 12!

So there I was, bonggacious ang entrance ko! Late ako kakahanap nung classroom ko. Tapos ayun, nahiya ako kasi nagtinginan sa akin yung mga new classmates ko. Umupo ako sa isang corner doon at tinabihan yung lalaking nakita ko (I have no intentions of flirting with him!) kasi yun yung nakita kong available na seat sa may likuran. At excuse me, I'm not the type of student na laging nasa harapan umuupo kasi ayoko na tinatawag ako ng prof ko. Haha. So there goes, nagorientation kami with our prof and ako, super out-of-place ako dahil wala nga ako kakilala and kahit noong matapos na yung buong period ay wala pa 'din ako kinakausap. Hindi naman dahil sa suplada ako or super ayoko lang mamansin - the truth is, napakamahiyain kong tao. Nahihiya pa ako makipagusap. Ewan ko, iyon 'ata ang isang ugaling hindi maaalis sa akin. Tapos noong nagdismissal na, there were only five people left in the classroom including me. Since I have nowhere to go (at hindi pa tapos ang klase noon ni Aiyien), nagstay muna ako ng classroom para hintayin yung text niya. Pero, sa kasamaang palad, na-empty ang cellphone ko. Kung minamalas ka nga naman oh!

Then, tumungo na lang ako. May tatlong lalaking nasa likuran ko at isang lalaki na nandoon sa may front row. Yung dalawang babae na nagkakilala na ay umalis na at ayun, bff na agad sila while I was left alone without a friend. Tapos, yung lalaking tinabihan ko kani-kanina lang ay tumabi ulit sa akin! Nagulat ako kasi sa dinami-dami ng vacant seats doon ay sa tumabi ulit siya sa akin. Feeling ko... may crush siya sa akin?! Haha. Joke lang iyon, guys! :D. I was just kidding. Tapos, noong umalis na yung lalaking iyon, umalis na 'din ako para magliwaliw sa buhay. Ang haba ba naman kasi ng break time ko. Imagine, 10:00 am ang dismissal namin tapos ang next subject ko ay 2:00 in the afternoon na magsisimula. Eh yung mga classmates ko sa St. Dom ay magkakaklase sila, which is very nakakainggit, at afternoon yung kinuha nilang schedule. Bale, 12 pa ng tanghali ang pasok nila. So good thing, nagtext na si Aiyien saying na tapos na yung klase nila. May kasama na siyang isang girl (nakakainggit talaga! May nakilala na siya!), si Anna. Naisip namin na magpunta sa SM para kumain ng lunch. It was 10 in the morning at 10:30 magsisimula ang next subject nila.

For about 15 minutes, humanap kami sa SM ng makakainan. Finally, we settled doon sa Pao Chin kasi nga, nagtitipid ang lola niyo at dieta ako no! Haha. So ayun, bago pa maluto yung Hainanese rice at yung shark's fin na inorder namin, umabot ito ng ten years. Malelate na sila tuloy. Nakabalik sila ng school ng saktong 11. Naisip ko na, since hindi ko naman mahanap yung mga classmates ko, umuwi na lang muna ako at bumalik ng 2 in the afternoon. 2 pm kasi ang time namin doon sa first period class namin sa hapon. Iyon pala, ang pinakamasaklap na pwedeng mangyari sa akin ay wala pala akong klase dahil next week pa ako papasok doon sa Programming subject ko! Malas na araw!!!! Napakamalas na araw!!!. Noong bumalik ako, tinext ako ni Bianca (our fellow blogger Bianca and also my classmate sa St. Dominic. Pero the bad thing here is... hindi ko classmate si Bianca ngayon pati si Nadine, yung classmate ko 'din dati sa St. Dominic). Tapos noong bumalik ako, mineet ko sina Nadine at Bianca sa hallway ng STI para masamahan nila ako magpapalit ng schedule ko sa office kasi gusto ko na maging kaklase ko sila dahil nahihirapan nga ako sa section ko na loner... super loner... at wala talagang kakilala ni isa. How sad di'ba? Pero ang bad news, HINDI AKO PINAYAGAN NG DEAN NA MAGPAIBA NG SCHEDULE KO :( So sad. Dapat 'daw noong bago magpasukan ko pa ito ginawa. Nagsisisi tuloy ako. Next time, sabay-sabay na kami mag-enroll nina Nadine at Bianca para maging magkakaklase kami.

Tapos noong lumabas kami sa office, nakita namin si Chester, yung classmate at tropa ko 'din dati sa St. Dominic. Lumipat 'din siya ng STI, kasama yung kambal-tuko niya na si Vyron. Nalaman ko na hindi pala sila BSIT, kung hindi DIT, which means, two years lang ang kinuha nilang course. Badtrip! Pati pala sila ay magkaklase. Loner talaga ako!!!! Haaay ayoko na!!!! So ayun, ako, si Chester, Nadine at Bianca ay rumampa muna ng ilang saglit sa loob ng STI. Nakakailang talaga kapag iba ang tingin sa'yo ng mga estudyante. Dahil ba new face ka lang sa campus? Whatever! Naiilang talaga ako at hindi ko alam kung makakasurvive ako ng ilang taon pa na ilalagi ko sa STI Campus. Haay, sana bukas magkaroon ako ng bagong mga friends kasi naman, kasi naman, ang problema lang kasi talaga sa akin ay ang pagiging snobbish look ko which is hindi naman totoo! Ika nga, don't judge a book by its cover. :D Hindi naman ako talaga suplada, mukha lang. Hindi lang talaga ako mukhang approachable pero kapag nakilala niyo ako, mabait naman ako. :D

15 comments:

Deth said...

o binasa ko yan sis ah...
just smile, simpleng smile lang chase...magmumukha ka ng mabaet at aproachable, hehehehe

tska first day pa lang naman...for sure magkakaron ka rin ng friends...goodluck:D

rich said...

HAHAHAHA! XD nataw naman ako dun sa part na sinabi may crush yung guy sayo... XD

anyway, pareho tayo... at first shy din ako kaya I totally understand you... normal lang yan first day pa lang naman pero at least kahit pano you met someone na... ibang course nga lang pero ok na yun kaysa wala diba? ^^

miss Gee said...

Uso ang kwentong perst day ah? ako din may post nyan.

anyways...okaii lang yan perstday palang naman eh. tulad ng sabi nila try to be more friendly. alam ko shy ka try mo pa-biba effect! ganyan din ako shy at first pero umpisa lang...lumalabas na din kapal ng feslak ko.hehe

goodluck sa 2nd day :D

krykie said...

ahaha :D

puro st.dom
haha na-miss ko tuloy ang dom dom Ü

nakuh okay lang yan frist day of school pa lang naman

makakahanap ka rin agad ng friends mo. :D

enjoyÜ

bluedreamer27 said...

hay nangyari din sa akin yan napunta ako sa class na wala ni isang kakilala as in di na ako kumikibo at nagaantay na lang na may kumausap sa akin...ayun kala din nila suplado ako at hindi friendly,,kalaunan naman ay natutunan din nila ako kaibiganin hehe

Ang buhay ay parang sine said...

salamat sa inyong mga payo! :D ginawa ko itong lahat. :D

Ang buhay ay parang sine said...

hi ate deth! super thanks. :D haha. hindi kasi ako marunong mag-smile eh, minsan lang. pero ginawa ko yun kanina and hopefully, nakagain 'din ako ng friends sa school ko. :D

Ang buhay ay parang sine said...

naku rich, salamat dahil naiintindihan mo ako. doon sa part na may crush sa akin? haha. jokes lang iyon. haha. alam mo naman ako minsan lukaret 'din. hehe. :D buti nga eh nagpakilala si aiyien sa akin kung hindi i'm totally dead! DEAD! DEAD! DEAD!

Ang buhay ay parang sine said...

missguided, tama! nagpabiba effect na nga ako kanina eh. hehe. :D

kryk, nakahanap na ako ng friends ko. it was awesome! :D hehe. it worked.

bluedreamer27, talagang nakakaloka no kapag first day of school tapos wala kang kakilala? buti nga sa'yo sila ang nakipagusap eh

Hari ng sablay said...

haha ok lang yan.gnyan tlga pg baguhan.sa umpisa lng yan.ako nga din nun mghapon lang sa gym nung skul namin loner din ako.hehe

tingin ko ah.tingin ko lang may crush nga sayo yun.ayee.1st day of skul nkakakilig na.hehe

Ang buhay ay parang sine said...

HARI NG SABLAY, wtf? di nga? haha. pero tropa ko na siya ngayon eh. hihihi. :D lols. :D mahirap talaga pag baguhan ano?

Arli said...

At lis po late lang kayo, yung kaibigan ko, pumasok siya sa maling room nung pers day. Aha

magkakaroon din po kayo ng mga kaibigan! :D Pareho tayo. Takot makipag-usap. Haha at mahiyain din. Kaya pag bagong school, mahirap na eh.

Haha at yung mga kaklase ko po nung hs, lahat sila pang-umaga yung kinuhang schedule! Kaya mag-isa ko lang siguro papasok sa first day. Nakakatakot...Hahahaha! Isipin nyo na lang may karamay kayo. at ako yon. and at the same time, magkakaroon tayo ng maraming friends after ilang araw! :D

Ang buhay ay parang sine said...

arli, hay parehas na parehas tayo ng pinagdadaanan! pero i think kaya natin yan makakaadjust pa tayo kasi alam mo na, baguhan eh. :)

Anonymous said...

Nka2tuwa naman ung st0rya mu nung 1st day..tama ang hrap tlga mgadjust pg bgo skul..bg0ng pki2sama bg0ng lugar..per0 atlis db nkabu0 kna ng 1wik sa skul qng sat na ngaun..hehe..nku 4 sure pgngtagal d kna mgi2ng loner kc friendly knaman i.. :) nka2tuwa tlga ung st0ry mu..

-c0llide..ü

Anonymous said...

Nka2tuwa naman ung st0rya mu nung 1st day..tama ang hrap tlga mgadjust pg bgo skul..bg0ng pki2sama bg0ng lugar..per0 atlis db nkabu0 kna ng 1wik sa skul qng sat na ngaun..hehe..nku 4 sure pgngtagal d kna mgi2ng loner kc friendly knaman i.. :) nka2tuwa tlga ung st0ry mu..

-c0llide..ü

 
template by suckmylolly.com