Okay naman pala second day high ko dahil I finally managed to conquer my fear! Hehehe. Noong pumasok ako ng school, wala pa 'din ako kakilala on our second day of school pero noong matapos na yung isang subject namin ay kinausap ko na yung katabi ko. He's the same guy na tumabi sa akin pero hindi ako kinausap. Since dalawang sunod na araw ko na siya katabi, naisip ko kausapin ko na siya kaisa naman sa maiwan akong friendless, di'ba? Niyaya ko siya lumabas, kasama yung naging tropa na niya. Ayun, bonding kami doon sa tabi ng seven eleven. Mga thirty minutes lang kami nag-bonding doon kasi may Communication Arts pa kami ng 10:30. Noong pumasok ako at umupo doon sa usual naming kinauupuan, ayun, nakita ko yung isa pa 'din loner ng klase namin. Kinausap ko siya dahil noong unang araw ng klase, I feel the same way too. Lalaki siya pero sige, kinausap ko pa 'din siya. Turns out, mabait naman pala siya at kamukha siya ni Wu Chun pero tahimik siya, simple lang pumorma, payatot medyo at hindi long hair. Galing siyang PUP. So ayun, F4 na kami. Sinama namin siya sa SM noong lunch break. Tinext ko si Mike, yung tropa ko sa St. Dominic para makipagkita sa akin kasi ipapakilala ko yung mga new friends ko.
Ayun, sumobrang daldal ni Mike hindi ko tuloy alam kung nakakasakay ba yung mga new friends ko sa kanya! Haha. Tapos todo asaran kami ni Mike. Feeling ko, naoop sila sa amin pero tinry naman namin na hindi sila maop. At iyon and end ng second day of class ko. Haha. I won't go into details na.
Ang nangyari naman kanina is ok! Masaya kasi nakita ko yung mga tropa ko ulit sa St. Dom. Puro kasi talaga mga lalaki yung tropa ko. Siguro, mga walong lalaki yung kasama ko kanina pero ako lang ang babae. Hindi kasi ako masyado ma-tropa sa mga babae dahil boyish yung personality ko. Nakipagkita ako sa kanila sa SM after kong magpacredit ng Algebra, English at NSTP. Todo asaran kami doon sa loob ng food court tapos pinuntahan ako nung mga tropa ko. Absent si Jayson eh, kaya F3 lang kami kanina.
Then, noong pumasok na yung mga tropa kong lalaki, iniwan kami ni Kyrie (yung name ng isang tropa ko) ni Sean, yung Wu Chun look-alike kong tropa na din. So ayun, date kami sa lunch! Haha. Nailibre pa tuloy ako. Mabait naman siya. Tapos magkaklase pa kami doon sa isang subject namin na pang-second year din. Then, bilang kapalit nung paglibre niya sa akin, binigay ko na lang sa kanya yung sim card ko na globe para magglobe na din siya kasi smart siya para di'ba text-text kami tuwing gabi? Haha. Naulan din ngayon dito, at dahil wala akong payong, pinayungan niya ako at inantay niya muna ako makasakay. Layo pa kasi ng tinitirhan niya kaya hindi kami sabay. :(. Pero ok lang, at least may mga tropa na ako doon. :D
13 comments:
Wow. Miss Congeniality award goes to you! Hehe. :D
At least may friend ka na now na makakausap :) Miss Congeniality ka na nga :).
Wow naman!!!saya nman ng second day mo sa skul :) gusto ko bumalik sa skul :D
ayan, yehey may friends na si Chase...:D go girl! goodluck sa studies
hehe ayos naman pala eh. tuloy tuloy na yan... :) gudluck...
parang balik first year :) irap talagga yan.
* pwede po pa votes sa CHORVA BLOG AWARDS for week 7? kung ok lng po sana? thank you.
* pa vote :)
Nice. Haha. Hana Kimi na to. At Meteor Garden. Haha. Pwede ring Hot Shot. Yan ang 2nd day mo, telenovela. xD
sabi ko sayo magkakaroon ka din agad ng friends dun eh... ^^
ayan at least masaya na ang school mo... bring ka na lang ng payong next time para mas ok... XD
mabuti naman at nakahanap ka agad ng friend, ako kasi dati mga 2nd week pa ako mula nung una akong nakuhang kaibigan talaga, kaya nung 2nd week pa siguro ako nakapag salit noon. hehe
goodluck sa mga susunod pang araw mo sa school.
enjoy lang sa school. sarap ngang bumalik sa school. mas masarap mag-aral kesa magtrabaho. mas maraming datung. haha! :)
nice one
keep it up chaze
hello chaze dumadalaw lang
have a great day and happy blogging
TOP FIVE
BREAKING THE BOUNDARIES
SONG TO REMEMBER
TV MARATHON
POSITIVE THINKER
SUPER BLOG
Post a Comment