Tuesday, May 12, 2009

Pritong manok

Oo, aking mga kapwa blogger - kapatid ko iyang nasa litratong iyan kahit mukha akong katulong kapag kasama ko siya. Napakaputi niya. Napakaganda. Napakasexy. Napakatalino. Parang halos 'ata lahat ng NAPAKA nasakanya na. Kung mayroon nga lang isang sister's day, siguro, gagawa ako pero huli na... huli na ang lahat para magkaroon pa ng sister's day. Hindi kami nag-uusap. Limang buwan na ang nakakaraan.
Oo nga pala, bago ko simulan ang isang istorya ay ipinapakilala ko sa inyo ang aking kapatid na si Corrine Rojo Soriano, 25 anyos at nagtatrabaho bilang isang Level 5 Bank Teller sa Banco de Oro, Mall of Asia Branch. Tatlong taon na siyang loyal sa kumpanyang ito.
Ano nga ba ang istorya sa likod ng aming hindi pagpapansinan? Sabihin ninyong napakababaw ng aming pinagawayan pero kung ating susuriin, napakababaw naman talaga. Tungkol lamang ito sa isang hita ng pritong manok na nakalatag sa ibabaw ng plato sa aming mesa at nagaanyaya upang siya'y kainin ko dahil ang aking sikmura ay kumakalam na.
Kagagaling ko lang noon ng aming retreat, at dahil sa isang kakaibang klima, mula Tagaytay pabalik ng Kawit, mula malamig hanggang sa mainit, ay nagkasakit ako. Kailangan kong kumain. Kailangan kong magkaroon ng laman ang aking sikmura upang ako'y makainom ng gamot. Kumain ako, dahil bukod sa gutom na gutom na ako ng mga panahong iyon ay paborito ko ang fried chicken. Ngunit diyahe, nandoon ang boyfriend niya.
Ehem mga ka-bloggers, ayoko ng i-mention ang pangngalan ng boyfriend niya dahil baka mapahiya. So, as usual, nandoon na naman ang boyfriend niya sa bahay namin para magdinner. Nakisabay ako, siyempre dahil ka-close ko na 'rin naman ang boyfriend ng ate ko. Pero noong kinuha ko ang isang hita ng manok (na siyang ulam namin noong gabing iyon) ay nagalit ang ate ko sa akin dahil sinabi niya na pagkain daw nila yun. Nagpanting ang tenga ko, para bang nakakabingi na para bang isang kanta mula sa isang Death Metal band.
Ano daw?! Pagkain daw nila iyon?! Samantalang ang pritong manok ay ulam namin! Puede naman siguro magluto ng ibang ulam eh. Nakadalawang hirit na iyong boyfriend niya ng pritong manok, samantalang isang hita lamang ang kinain ko at napakaliit pa.
Kaya iyon ang pinagugatan ng aming istorya kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa 'din kami nagpapansinan. Ayaw naman makielam ang Mama ko sa away namin, dahil alam niya ang ugali ng ate ko na medyo matigas ang loob.
Isipin natin, medyo matigas 'din ang loob ko pero lumalambot kapag usapang pampamilya na. Gusto ko na talagang makipagbati sa ate ko, ngunit hindi ko alam kung paano sisimulan.
Gusto ko makipagbati sa kanya. Tanggap ko na na mas mahalaga ang boyfriend niya kaisa sa amin. Paano ba naman kasi, apat na taon na sila noong lalaking iyon at pakiramdam ko nga ay sila na ang ikakasal. Matanda naman 'din kasi sila pareho.
Hay ewan ko ba. May maibibigay ba kayong payo sa akin mga ka-bloggers para magbati na kami ng ate ko? Hay ewan ko ba oh, kapag umiral nga naman ang pagkabata.

18 comments:

Ang buhay ay parang sine said...

Testing kung nakakapagcomment na ba ako.

Ceejae said...

Nakakatawang nakakalungkot naman yun. Hehe.

Deth said...

minsan nakakapikon talaga ang mga kapatid, pero at the end of the day...she's still you sister...

napakaraming pagkakataon na naging mabait siya sayo, na nagpalamang siya sayo, pagkakataong dinamayan ka niya, inalagaan ka niya, ginabayan...

y don't u write her a letter...tell her you won't let a single leg of chicken continue to destroy your relationship...

i hope magkabati na kayo:D

saul krisna said...

haaaay adi8k ba yung ate mo at bf niya? anu tinitira nun at parang high na high dahil lang sa ulam eh sasabihan ka niya ng ganun? may sakit ka na nga tapos di ka man lang mapag bigyan.... haaaay tumataas ang dugo ko ah... hahahaha

anyway pag pasensyahan mo na ang ate mo... tandaan mo mahirap mag palaki ng matanda... ikaw na lang ang mag give way.... teka MAGANDA ka naman sis ahhh... inagats

Rhodey said...

nagaaway din kami nang mga kapatid ko pero hindi umaabot sa buwan, at napakababaw nang pinagawayan nyo ha? pritong manok? bakit? nauubos na ba ang mga manok sa pinas at kailangan nang magaway away para lang don?

hmmmm.... kailangan nyo nang faith healer, albularyo, mambabarang, at mangkukulam... hahahaha

kung natitiis ka nang ate mo e, di ikaw ang gumawa nang way, kung kasama mo sa bahay, e di kausapin mo siya, diretso para malaman nyo ang problema.

kung ayaw pa rin niyang makipagusap e di saka mo na sabunutan,tadyakan at iprito sa kumukulong mantika, at least nag try ka na makipagbati sa kanya....

hehehehe joke lang yung iprito... pero kung feel mong gawin okey lang din ehehheheheks....

ideya lang.... peace.....

Hari ng sablay said...

nung nalaman kong may bf ang ate mo hindi ko na tinuloy ang pagbabasa,haha biro lang yun cyempre.

ang mgndang gawin kapag kakain na sila hindi lang hita ng manok ang ihapag mo saknila ng bf niya,bumili ka ng buong lechon manok sa may kanto.padagdagan mo ng sauce.

kung wala ng manok na tinda,ung hita nalang nung nagtitinda,hahaha

Kosa said...

hahaha...
bahagi yan ng pagkakapatid..
magbapi-peace din kayu.

pero teka, ito ang payong kapatid na galing kay Kosa,
magoffer ka sa kanya ng limang pirasong fried chix galing sa Shakeys.. bukod sa masarap eh masarap pa..lols

basta sorpresahin mo nalang sya... kahit idaan mo nalang sa biro kung my pride ka.. kating-kati na rin yan na makipagbati sayo...lols
kung ayaw nya makipagbati eh di wag nya...lol

Ang buhay ay parang sine said...

Haha! Kayo talaga guys naloka ako doon sa mga advices niyo! Salamat po sa payo! :DD

Bart Tolina said...

mas maganda ka

Ang buhay ay parang sine said...

Bart, naku hindi. Ang ganda nga ni ate eh, parang celebrity. Kamukha nga daw 'to ni Mariah Carey. Ewan, sabi nila.

Pamelaa said...

Grabe. Ambabaw nga. Haha.
Pero ganyan din kame ng little sister ko. Buti nalang at little pa sya at di pa ganun nagagalit. Actually, walang araw na hindi kame nag-aaway. Buti nalang talaga at di sya gumaganti. Gumaganti nga siguro pero hindi ganun kalala.
Siguro, mas maganda kung gawan mo sya ng card na ang cover page ay pritong manok. For sure matatawang maiinis yun, pero syempre mattouch yun kapag binasa nya ang letter mo inside.
Update moko kung bati na kayo ah. :D

Ang buhay ay parang sine said...

Pam, sure I'll do that. Thanks for your advice :p

Haha. Nakakatuwa naman yung mga advices niyo.

Pero napakababaw lang talaga nung pinagawayan namin para hindi magusap ng five months, right?

Update ko kayong lahat kapag bati na kami. :DD

Vic said...

unang tingin, I thought it's you.. sister mo pala! anyway, I hope things will go better between you and your sister. sabi nga nila, time heals all wounds. wag mo lang pilitin.. di pa siguro ngayon yung right time para magkaayos kayo. but imagine 5 years.. este 5 months pala. hehe!

anney said...

Siguro yung kapatid mo e gusto na rin makipagbati sayo kaya lang parang pareho nga kayo nagmamatigas.I'm sure pag kinausap mo sya e kakausapin ka rin naman nya. Mababaw lang namn pinag awayan nyo.

Ang buhay ay parang sine said...

Hi Ms. Anney! Kahit naman po ako nararamdaman ko na gusto na rin makipagbati ni ate sa akin. Ayoko na rin naman magmatigas dahil miss na miss ko na siya. Kung alam niya lang. :(

rob said...

Normal lang naman ang pag-aaway. At Chazzel, maganda ka rin naman ah. Di ka mukhang katulong pag kasama mo siya. :)

Ang buhay ay parang sine said...

Rob said, talaga? Huhuhuh. Para kasing celebrity si Ate. Pero of course, I'm not insecure. :)

日月神教-任我行 said...

AV,無碼,a片免費看,自拍貼圖,伊莉,微風論壇,成人聊天室,成人電影,成人文學,成人貼圖區,成人網站,一葉情貼圖片區,色情漫畫,言情小說,情色論壇,臺灣情色網,色情影片,色情,成人影城,080視訊聊天室,a片,A漫,h漫,麗的色遊戲,同志色教館,AV女優,SEX,咆哮小老鼠,85cc免費影片,正妹牆,ut聊天室,豆豆聊天室,聊天室,情色小說,aio,成人,微風成人,做愛,成人貼圖,18成人,嘟嘟成人網,aio交友愛情館,情色文學,色情小說,色情網站,情色,A片下載,嘟嘟情人色網,成人影片,成人圖片,成人文章,成人小說,成人漫畫,視訊聊天室,a片,線上遊戲,色情遊戲,日本a片,性愛

 
template by suckmylolly.com