Saturday, May 9, 2009

Ang mabuting ina. Bow. Isang tunay na istorya.

Mga kapwa blogger, pagpasensiyahan niyo na kung ganyan ang litrato ng aking super duper mama in the world! Stolen lang niyan noong Nobyembre 1, 2008. Nakakasigurado ako na eto hindi man lahat, pero yung ibang ka-fellow blogger ko ay ito ang pakay ng kanilang post - upang batiin ang kanilang mga butihing ina ng isang malutong at masarap pakinggan sa tainga na: Happy Mother's Day, Ma... Inay... Mommy... Inang... Oh kahit ano pa ang inyong tawag!

Ngunit teka, gusto kong pakinggan ninyo ang aking kuwento tungkol sa aking Mama. Ipinapakilala ko siya bilang si Milagros Celestial Rojo. Actually, hindi talaga siya ang tunay kong nanay. Tiyahin ko lang siya, nakakatandang kapatid ng aking tunay na nanay. Wala siyang asawa dahil pinagkaitan ng tadhana na magkaroon ng asawa. Buong buhay niya kasi, simula pagkabata, iniukol na niya para sa kanyang pamilya. Nagalaga ng mga nakababatang kapatid, tinulungan ang kanyang mga magulang sa pagtatrabaho upang mabuhay at hindi na nakapag-aral pa dahil kailangang magbanat ng buto. Samantalang ang kanyang ibang mga kapatid, ang aking mga tiya at tiyuhin, ay nakapagtapos ng kolehiyo at hayun, naroon na sa Amerika at mayroon ng isang maganda at matatag na buhay. American Citizen na sila, kumbaga. Samantalang ang Mama ko (Tawag ko sa aking tiyahin), American Citizen na nga, pero hindi pa 'rin makapunta ng Amerika dahil natatakot siya na iwanan kami.

Kaming tatlong magkakapatid ay wala ng mga magulang. Bakit? Heto sasabihin ko na. Nakakulong ang tunay kong nanay sa Mandaluyong, yung Correctional Institute for Women. 20 years ata ang sentensiya na dahil sa kasong Estafa. Ang aking tatay naman ay nagbabanat ng buto sa Saudi, at doon, hindi namin alam kung may iba na siyang pamilya. Pero nagpapadala pa 'din naman siya ng pera upang ako'y makapag-aral at upang may magastos kami sa araw-araw. Matagal na kasing hiwalay ang aking mga magulang, simula pa noong nakulong ang nanay ko. Matagal na siya nakakulong. Siguro, humigit isang dekada na. Natatandaan ako, pitong taon pa lang ako noong nakulong siya. Batang-bata. Hindi pa alam kung anu ang mga nangyayari sa mundo. Grade 1 pa lang ako noon. Pero ang masakit, nakita ko ang nanay ko na dinampot ng mga pulis. Umiiyak, ayaw kaming iwan. Nakatulala lang ako at hindi makagalaw sa aking kinatatayuan noong mga panahon na iyon. Hindi ko kasi alam kung anung nangyayari.

Noong ako'y nagkaroon na ng tamang malay upang maunawaan ang mga bagay-bagay sa aking paligid, saka ko na lang nalaman na nakulong nga ang aking nanay. Ewan ko ba, pero wala akong naramdamang lungkot. Tawagin ninyo na akong isang masamang anak ngunit hindi man lang pumatak ang aking luha sa aking mga mata. Siguro kasi, lumaki ako na wala siya. Lumaki ako na hindi malapit ang loob ko sa kanya. Lumaki ako na ang Mama ko na ang nag-aalaga sa akin.

Ang Mama ko na, na hindi na nakapag-asawa para lang alagaan kami. Ang Mama ko na ipinagpalit ang lahat ng kanyang kaligayahan upang may mag-alaga lang sa aming magkakapatid. Ang Mama ko na napakabait. Ang Mama ko na madasalin. Ang Mama ko na nagturo sa akin upang maging isang mabuting tao. Hindi ba, yung ibang kabataan, kapag lumaki ng walang magulang, napapabayaan ang kanilang sarili at naliligaw ng kanilang mga landas? Ngunit ako? Kami? Hindi. Alam namin ang tama sa mali. Alam namin na kailangan naming mag-aral upang matumbasan ang lahat ng paghihirap ng aking ama na matiyagang nagbabanat ng buto sa Saudi. Hindi madali ang pera. Hindi madali ang buhay. Iyan lamang ang mga magagandang aral na napulot ko sa aking Mama. Kaya kahit ganito ako minsan, nagiinom, alam ko pa 'din ang aking mga responsibilidad bilang isang kabataan. Inaamin ko naman eh, may mga kalokohan din ako sa utak pero hindi yung sagad-sagaran.

Ang Mama ko... Hay napakasuwerte ko talaga sa kanya! Napakasuwerte talaga namin sa kanya! Siya ang nagsilbing gabay sa aming paglaki, ang nagsilbing ilaw sa aming mga madidilim na gabi. Mahal na mahal namin siya, kahit hindi namin ito masabi sa kanya. Hindi man niya kami mga tunay na anak, feeling namin na sa kanya pa 'din kami nanggaling. Ang pagiging ina, hindi naman kailangan na sa iyong sinapupunan mo talaga nanggaling. Minsan nga, sa iyo na nga nanggaling ang bata, pinapabayaan mo pa. Pero siya? Tinuring niya kami higit pa sa isang tunay na anak.

Basta, mahal na mahal na mahal na mahal namin siya! :)


14 comments:

Abbey Giongco said...

I love this Ate! Na-touch ako sobra! :)

Swerte nio sa kanya at ang swerte niya dn po sa inyo. :) Happy Mother's day po sa Mama mo. :)

soberfruitcake said...

wow...
nice story...
kung ako nasa klagayan mo, mlamang mamahalin ko rin ng sobra2 ung tita slash mama mo..
noble tlga xa..
nkakabilib..=)

Ang buhay ay parang sine said...

Abbey and Soberfruitcake, yes you're both right! I'm so lucky to have her by my side! Mahal na mahal ko ang Mama ko. Sobra! Kahit hindi lang halata. Mas sweet naman yung mahal na mahal mo pero hindi mo pinapakita, kasi puro actions lang di'ba?

Scarlet said...

very nice story...

Scarlet said...

i added u already, pls add me back...u can put shoutmix sa blog mo pra madaling makapag-iwan ng message ang mga readers mo...visit www.shoutmix.com for instructions...

Mike Avenue said...

Happy MOther's Day to ur Mom!

I just added you to my bloglist.

Take care and have a blessed evening.

arli said...

I'm absolutely sure your Mama is very proud of you. Nakakatouch itong blog entry mo na ito. Haha salamat po and happy mother's day din to your mom! :)

2ngaw said...

Wow!!!Happy mother's day sa iyong ina :)

Ang buhay ay parang sine said...

Madame Apro, Mike Avenue at Lord CM, Maraming maraming salamat! :D

rob said...

Mas nakakatouch ka palang magsulat sa tagalog.
Grabe, mas magandas to kesa sa a candlelit evening.....wala na ko masabi...idol tlga kita.

Hari ng sablay said...

mana ka sa mommy mo,pretty... :) hapi mothers day...

Ang buhay ay parang sine said...

Hari ng Sablay, naku maraming salamat po sa compliment! Hehe. Mama's really pretty. :D

pau : ) said...

kainggit ka nga e.. kc khit tita mo xa at tinuturing lang na mama, atlist ksma mu xa..

ako lapit na mag 1 yr n wla d2 s pilipinas c mama.

d ko man lang xa nyakap ngaung mothers day... : (

Ang buhay ay parang sine said...

Rob, salamat huh. Pinapractice ko nga magsulat sa tagalog eh. Hehe.

Bianca, ok lang yan. Pero sana magkaroon ka ng chance na mayakap mo ang Mama mo ngayong mother's day. Hindi bale, darating din kayo sa point na ganyan. Don't worry.

 
template by suckmylolly.com